Sabado, Marso 5, 2011

Kailan kaya?

Matagal ko na ring pinangarap na isang araw, makasama ang babaeng mahal ko
Maglakad sa isang romantikong lugar habang hawak ang kanyang kamay
Titigan ang kanyang mga mata, halikan ang kanyang noo, habang papalubog ang haring araw.
Minsan nama'y naisip ko, sa kalamigan ng gabi
Sa kwarto, sa kama
Wala akong ibang ibig gawin kundi ang yakapin sya
Hanggang sumapit ang umaga.

Ngunit kailan nga kaya darating ang panahong ito,
Na dumating ang taong ito sa piling ko
Hindi naman sa nagmamadali ako,
Nagtatanong lang.

2 komento:

  1. Kapag sinubukan mong lumipad, mababanaag mo ang sentimyento mong isa palang bahaghari... maganda at makulay.

    TumugonBurahin