Sabado, Enero 7, 2012

Ideal Girl?

Isang hapon, habang kumakain kami ng burger kasama ang mga "pamangkin" ko (pinsan ko ang mga magulang nila, so technically, pamangkin ko sila. Basta, oo ka nalang) nang biglang tinanong ako ng isa sa kanila, "Ano ba gusto mo sa babae? 'Yung maputi, o kayumanggi?" Sabi ko nalang sa kanya, "'Yung maputi, syempre. Pero depende rin...".

Pag-uwi ko sa bahay, naglog-in ako sa Facebook at tiningnan ang aking News Feed. Maraming posts ng pictures ng magagandang babae. 'Yung iba, friends ko; yung iba, posts ng mga fanpages na ni-like ko. At sa patuloy kong pagbobrowse sa aking News Feed, nakita ko yung picture ng friend kong Koreana, so tiningnan ko ang profile nya. Ang ganda talaga nya. Crush ko yun, sa UE rin nag-aaral. Nakita ko yung mga friends nyang Koreana, ang gaganda rin. Naisip ko tuloy, "Lahat ng mga babaeng 'to, gusto ko ang itsura. Puro magaganda." "Ano nga kaya ang hinahanap ko sa isang babae?", naitanong ko nalang sa sarili ko. Ano yung bagay na hinahanap ko sa "ideal" girl ko na hindi ko mahahanap sa ibang babae? Parang ganun.

Sa totoo lang, wala naman akong hinahanap in particular sa isang babae. Kahit long-haired, short-haired, matangkad, sakto lang, maputi, kayumanggi, chinita, morena... wala naman. Yung crush kong Koreana, chinita (malamang), ang ganda ng mata, at ng smile nya. May nakita akong babae kanina sa SM, maikli buhok, medyo maputi, may braces, simple manamit, and yet I find her attractive. Mahirap sabihin na "Ganito ang gusto ko sa babae..." blah blah blah, dahil ang pisikal na kagandahan ng isang babae, para sa akin, depende sa pangkabuuang appearance nya, hindi lang dahil singkit/mabilog ang mata nya, mahaba/maiksi ang buhok, etc. Parang summation ng mga qualities na nakakapagpaganda sa kanya, yun ang kabuuan ng pisikal o panlabas na kagandahan nya. Yun ang nakaka-attract sa paningin ng mga tao, ng mga lalake.

 Sabi nga ng isang sikat na pesonalidad sa radio at internet, kapag sa unang tingin, hindi naman makikita ng guys yung ugali mo; ang makikita nila, yung panlabas na itsura mo. Mahalaga ang panlabas na kaanyuan ng isang tao, dahil ito ang nakaka-attract sa paningin ng ibang tao. Pero in the long run, mas mahalaga parin ang kagandahan ng kalooban, o ang mabuting asal. Kasi kapag nakita mo na yung babaeng mamahalin mo nang pang-habangbuhay, hindi na mahalaga yung itsura. 'Pag kinasal na kayo, araw-araw na kayong magsasama, malamang magsawa ka na sa itsura ng asawa mo. Tatanda kayong pareho, kukulubot ang mga balat nyo at puputi ang mga buhok nyo, pero yung pagmamahal nyo sa isa't-isa, hindi kukupas.

Pero gusto ko sa babae, yung medyo chinita yung mata, maganda mag-smile, medyo maputi, at yung height eh sakto lang para makaya kong halikan ang kanyang noo at bumulong sa tenga nya at sabihan sya ng "Mahal kita...".

4 (na) komento: